Saturday, August 07, 2004

AAARGH!!!

nakakabwisit lang talaga....

nakita lang kita online maging masaya nako. Siguro, kahit papano, makakapag-usap tayo. Hindi ko iniisip na sobrnag malalim ang pag-uusapan natin. Sabagay, kelan ba tayo nag-usap ng masinsinan?? Iniisip ko kung kelan...matagal na. Hinde, gusto lang kita kamustahin. Miss na kitang kausap eh. Hindi mo ba naiisip yun? porke't ang nakaraan ba ayaw mo balikan eh, dead-mahan na tayo? Ano nangyari sa sinabi mong "we'll be friends" and all that fucking jazz!!!??!!! Nauwi na lang ba sa salita yun? Pano ko masusukat ang frinedship natin eh, ni -hello sa YM hindi ko magawa kasi naka-IGNORE ako sa listahan mo!?

Hindi ko naman hiniohingi na bawat panahon na online ka ay ako na lang kakauspain mo. Hinde, hinde ganun AT ALL. Ang gusto ko lang, panindigan mo yung binitaw mo na maging kaibigan man lang tayo. Alam ko na alam mo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Ganunpaman, kahit papano maiisip mo rin na hindi lang yun ang importante sakin. Importante sakin na ang ating pagkakaibigan mabibigyan pansin mo rin. Gusto ko magkwento sayo tungkol sa mga nangyayari din sa buhay ko. Parati na lang pag tumatawag ako dati ikaw ang tinatanong ko dahil oo, miss na kitang kasama at gusto ko malaman kung ano ang pinag-aaliwan mo dyan. Natutuwa ako kapag naririnig ko boses mo kasi parang katabi lang kita dito, tulad ng dati nung magkatabi tayo nagkkwentuhan.

Haay. Sobrang sama ng loob ko na ni text, tawag o kaya email na mag-acknowledge lang na nakukuha mo ang lahat ng "attempts" ko sa pag-aayos natin, wala. Sino bang hindi mapipikon nyan? nagbitaw ka ng mga salitang ganyan sakin. Siguro mas nakabuti pa sakin na sinabi mo na lang na wag na tayong mag-usap,mas brutal pero at least masa madali. Bitter ba ako? Obvious ba!!?? Mas masakit isipin kasi na habang ang mga pagbabago sa ating dalawa ay nangyayari, kahit papano, naaalala kita, andito ka parin, ganun pa rin ka-importante sakin, at kahit papano, kahit sa maliit na paraan man lang, gusto kong malaman mo yun.

wala. Siguro nga tanga lang talaga ako. PASENSYA NA. Sa mga pangungulit kong walang kwenta. sa mga salita kong ayaw mo na pakinggan. sa mga ginagawa kong nakakainis.

Nakakalungkot isipin na pagtapos ng matinong pag-uusap, dito pa rin babagsak pala.

+ + +

Akala ko pa naman iba to. Iba sa dati. Iba ka. Pagsisisi ba? Ayoko na. punyetang buhay to o. Makaalis na nga rin. leche.





No comments:

Blog Widget by LinkWithin